
Yahmu ! I'm doing great today because I went to my Best Friend's house,
Princess !
They treat me so so NICE :)) *hekhek*
By The way, Guys, Thank You for reading my Scene Script. You made me feel good. ^-^
( I thought no one will gonna read it. haha ^^)
Well, let us continue the story, here it is again the continuation of Chapter I
------------------------------
Chapter 1"Gumamela"Matindi ang sikat ng araw sa loob ng campus ng Unibersidad. Maraming tao sa canteen. Ultimong hinahabol ang nalalabing oras sa kanilang tanghalian. May mga estudyanteng mahigit magkakalahating oras na ay hindi parin nakaka order, At may mga iba naman dyan na mas inuuna pa ang makipag daldalan kaysa kumain. Hinihintay pa ata nilang dapuan ng langaw ang kanilang mga pagkain. Ang isa naman iyon sa may sulok ng kainan parang wala ng bukas kung makasubo, tuloy tuloy. Nilulunok niya na lang ata at hindi na ningunguya ang lahat ng papasok na pagkain sa kanyang bibig. Pati nga ang kendi isang lunukan lang eh. At sa may bandang bintana kung saan din malapit sa may pintuan ng canteen makikita ang babaeng nakaupo sa may backstage, si Andrean. Tahimik na kumakain sa solo niyang mesa. Madami ang nakatingin sa kanya. Mapababae man o lalaki parang gustong-gusto siyang sabayan sa pagkain ngunit nahihiya nga lang. Isang kaklase niya ang lumapit sa kanya at sinabayan siyang kumain, si Mary. "Hi Andrean, pwede?" tanong nito. "Oo naman, wala naman akong kasama eh" sagot ni Andrean. "kamusta ka na pala?.. halos dalawang linggo ka din nawala dito. Ano bang nangyari sayo?" "Tinamad akong pumasok eh" pilosopong sinabi ni Andrean sa kausap "ikaw talaga! nawala lang yung dalawa eh absenera ka na!" ngumiti lang si Andrean. "Nga pala, malapit na ang intrams natin ha, sasali ka ba ulet ?" . "Naku, Hindi." sagot kaagad niya." gagawa pa kasi ako ng project sa Art natin eh," . "Project na naman !"may halong sermon na sabi ni Mary." Girl, next month pa naman yun.". "hindi talaga pwede eh, kailangan kong matapos kasi yun kaagad may gagawin pa kasi ako" paliwanag nito. "Well, what's the big deal ~ ikaw naman yan eh, basta kung naisipan mong sumali sabihin mo lang sa akin ha!" "Oo sige. Salamat ! "Isa pang kakilala niya ang lumapit sa kanya. "Uy, Andrean pumunta ka daw sa office at pinapatawag ka ng coordinator" . "ha? bakit daw ?" nagtatakang tanong ni Andrean.

